Sunday, May 9, 2010

Ano ba ang Silbi ng Civil Service Exam?

Marami na akong narinig na sila ay may eligibility o nakapasa sa Civil Service Exam. Pero nakalulungkot isipin na ang Civil Service ay isa na lamang dekorasyon ngayon sa Pilipinas. Sabi nga nila ito daw sa ngayon ay pampaganda na lang ng resume. Bakit kaya ganito na ngayon ang palagay ng mga nakararaming Pinoy?

Maraming Pinoy ang kumukuha ng Civil Service Exam Sub-Pro or Professional. Malaki daw ang maitutulong nito para makapasok ng trabaho sa Gobyerno. At kung ikaw naman ay nag-tatrabaho nasa Gobyerno bilang contractual, malaki daw ang maitutulong nito para ma-regular ka sa iyong trabaho? Ito po ba ay nangyayari?

Marami akong mga kaibigan na nagsasabi na kahit ikaw ay may Civil Service Exam mapa-Subpro man o Professional ang mga ito ay nababalewala rin. Ayon sa kanila kahit mataas pa ang pinag-aralan mo.. may elibility ka man o wala kung wala kang malakas na kapit o kakilala sa Gobyerno local man o hindi... Wala ka ring mapapala o mapapasukang trabaho. O di kaya naman pang habang buhay ka ng contractual. Tsk tsk tsk nakakalungkot pong isipin di po ba?

Isipin na lamang ninyo na kung ikaw ay nagtatrabaho na sa Gobyerno bilang isang Contractual at kahit may eligibility ka o mataas ang iyong pinag-aralan. Pagkatapos hindi ka pa rin mapabilang o mapasama sa mga mare-regular sa iyong trabaho. Kahit na 22 years ka na in service at lalong nakakagulat kung naunahan ka pa ng isang High School Finish na maregular dahil mayroong malakas na kapit sa loob o kakilala. Papaano na?

Kung meron kang opinyon o mungkahi at gustong sabihin makabubuti kong magbibigay ka ng iyong kumento sa paksang ito. Upang kahit sa ganitong paraan maiparating natin sa mga kinauukulan ang mga maling sistema sa ating Gobyerno. Kailan kaya matatapos ang ganitong kalakaran? Kailan kaya mapapansin ang mga Pinoy na karapat dapat mabigyan ng pagkakataon sa kanilang katapatan sa kanilang trabaho?

1 comment:

  1. Sa opisina po namin ganyan din.. information technology Ang tinapos pero nakakuha xa ng livestock inspector2 meron xang subpro pero madami din sa katrabaho namin Ang license agriculture pero mas nataasan pa Ng i.t. yun.. tanong lng po Tama po ba yun na malayo sa course Yung makukuha mong item sa trabaho

    ReplyDelete