Sunday, May 9, 2010

Ikaw ba ay isang Motorista? Nahuli ka na ba?

Ang mga sumusunod ay ang mga madalas na katanungan ng mga Pinoy drivers na nahuhuli ng Pulis o Traffic Enforcer. Ang mga sagot ay hango po sa aking sariling opinyon. Makabubuti kung meron po kayong maidadag-dag o maibabahagi para magkaroon ng kaalaman ang ating mga mambabasa.

1. Ako po ay pinahinto ng isang Traffic Enforcer at sinabi nya na ako ay may traffic violation. Pero sigurado po ako na ako ay walang Traffic Violation. Ano po ang gagawin ko? Ano ang aking mga karapatan?

ANSWER:

Ang ganito pong scenario ay hindi na po kaila O iba sa atin. Ito ay madalas mangyari sa Bayan ni Juan lalo na sa lansangan. Na ikaw ay hinuli at alam mo na ikaw ay walang violation. Madalas gawin ito ng mga Police o Traffic Enforcer upang maka kotong.

Kung natiyak mo na ikaw ay walang violation. Maaari mo tanungin ang isang Pulis o Traffic Enforcer na humuli sa iyo kung ano eksakto ang violation mo. Matutong magtanong ng maayos at maging magalang. Huwag pairalin ang init ng ulo. Dahil kung magiging maayos ang palitan nyo ng paliwanag sa isat-isa kayo ay magtatapos ng maayos. Kung mali ang huli sayo ikaw naman ay kanyang paaalisin. Pero kung ikaw talaga ay mayroong traffic violation ginawa? Nasa Pulis na o Traffic Enforcer kung ikaw ay papanagutin sa iyong violation.

Para sa iba ang mahuli O matikitan ay abala lang. Dahil sa napakahirap tumubos ng lisensya. Bukod sa napakahaba ng pila ay napakainit pa. Kaya madalas sinusuhulan natin ang mga Pulis at Traffic Enforcer na humuli sa atin. Sa palagay ninyo ito ba ay makatuwiran o hindi? Tol ito ang dapat mong malaman. Ang Pulis o Traffic Enforcer na humuli at ikaw na hinuli ay parehong may pananagutan sa batas. Puwedeng sabihin ng humuli sa iyo na ikaw ay nanunuhol o nag-ooffer ng suhol sa kanya. Kaya makabubuti kung iiwas tayo alin man sa mga ito.

Ikaw tol ano ang iyong opinyon?

No comments:

Post a Comment