Saturday, July 3, 2010

P-NOY wala ng wang-wang, tong at iba pa

Part of P-NOY Inaugural Address is when he mention na wala ng wang-wang, wala ng tong, at wala ng counterflow.

Nakatutuwang isipin na hindi lamang pala iilang tao ang nakakapansin sa mga abusadong motorista na naghahari harian sa daanan. Maging ang ating bagong Pangulong si Noynoy ay nakapansin din pala nito.

Tama si P-NOY nang bangitin nya ito. Naniniwala ako na hindi nya binangit ito para lamang patutsadahan ang maraming abusadong VIP, motorista o mayayaman sa kalsada. Binangit nya ito at binigyang diin dahil ito ang isa sa pangunahing dahilan ng kawalang disiplina ng mga maraming Pilipino. Kung nais nating magkaroon ng pagbabago sa Sambayang Pilipino. Dapat magsimula sa Batas Trapiko. Hindi lamang ang mga motorista pati na rin mga commuters o pasahero sa kalsada. Matuto po tayong rumespeto sa batas ng trapiko. Kaya tayo may overpass at pedestrial lang para doon tumawid.

Ang pagbabago ay nagsisimula kung mayroon tayong disiplina. Ano ang palatandaan ng isang pagbabago kung ito po ay nangyayari na sa ating Bansa. Kung ang isang Pilipino po ay marunong nang magtapon ng basurahan sa tamang lalagyan. Marunong tumawid at rumespeto sa batas trapiko. Marunong sumunod sa ipinag-babawal at pinag-uutos ng batas. Kung ikaw ay motorista gawin mo ng buong husay ang pag sunod sa batas trapiko. Panahon na po para magising ang marami sa ating mga kababayan na umabuso sa kanilang kalayaan. Masyado na po tayong napag-iiwanan ng ibang bansa.

Tayo na lang ata ang bansang walang disiplina sa kapaligiran, sa environment, sa batas trapiko. Sabi ni P-NOY tayo ang boss nya. Hindi nya kakayaning mag-isa upang magsimula ang pagbabago sa ating bansa. Kailangan mag-simula sa ating mga sarili, magsimula sa ating mga tahanan at pamilya. Maging mabuting halimbawa sa ating mga kasama sa trabaho at kaibigan. Yaan po ang nararapat at mga pangunahing hakbang upang tayo po ay makahabol at magkaroon ng kasaganahan at kinabukasan sa darating na hinaharap.

Ikaw ano pa sa tingin mo ang kailangang pagbabago?

1 comment:

  1. Wala naman nag bago e.ganun pa din repesto yung kailangan ng mga tao lalong lalo na yung nasa pwesto Sakit.info

    ReplyDelete